Gaano ka bagal ang Internet ng pinas
Ang internet sa Pilipinas ang isa sa pinakamabagal sa rehiyong ASEAN. Sa katunayan, mas mabilis pa ang internet sa Cambodia, Laos, at Myanmar. Ayon sa Speedtest Global Index, noong Mayo 2019, pang-107 ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo pagdating sa bilis ng mobile internet at fixed broadband . Ang bansang may pinakamabilis na mobile internet ay South Korea na halos 5 beses na mas mabilis kesa sa atin. Isa sa tinuturong dahilan ng mabagal na internet sa Pilipinas ay ang kakulangan ng kompetisyon sa internet services. Isa pang dahilan sa mabagal at limitadong coverage ng internet sa Pilipinas ay ang kawalan ng sapat na imprastraktura para sa telecommunications. Sa ngayon tinatayang 67,000 cell sites ang kailangan itayo sa buong bansa upang palawigin ang internet. Unang-una, dahil isang malaking kapuluan ang Pilipinas, mahirap talagang siguruhin na bawat sulok ay may sapat na internet access. Paparating na rin ang 5G technology na gagawin daw sobrang bilis ang ating internet at b...